Para gumawa ng GCash account/Paymaya Account

1.    Mag download ng GCash Apps

2.    Sundin ang makikita sa Apps para makapag Register

3.    Ang Globe Roaming ang ilalagay na Cell No – dito makukuha ang Code para ma-activate ang GCash Apps

4.    Kailangan ang inyong Full Name na nasa Passport ang ilalagay, kailangan kasing mag send ng ID para ma-upgrade ang GCash Account ninyo.

5.    Kailangan Philippine Address ang ilalagay sa Gcash application.

6.    Pag magpa Verify, paki ready ang Philippine Passport, para maisend ito.

7.    Para sa ibang bagay, pakihanap sa [ youtube ] ang Guide ng GCash, madaming guide na makikita sa Youtube.

8.    Pwedeng padalahan ang GCash Acount ninyo mula dito sa Japan, paki tanong nalang sa Remittance Company na gamit nyo kung pwedeng magpadala sa GCash.

9.    Ang Globe Roaming na ginamit ninyo sa pag-activate ng GCash ay iyon ang inyong GCash Account No.

After makagawa ng GCash Account

Pakisundan dito sa website ang pag Verify ng inyong GCash Account.

Paki ready ang Passport (Valid dapat at HINDI expired) para ito ang ID na mai upload ninyo. Kung walang Philippine Passport pwede ang ibang ID’s na issued mula sa Pinas gaya ng Voter’s ID, PhilHealth, others.

Kailangan Pinas na issued ID ang isi-send tuwing magpa Verify kasi based sa Pinas ang GCash.

PAALALA:

1.   Kailangan Openline/SIM FREE na Cellphone ang paglalagyan ng Globe Roaming SIM, para magkasignal.

2.   Paki-ready ang Valid ID, gaya ng Philippine Passport, para ma approved ang inyong GCash application. Ia-upload ninyo ito kung mag Verify na. (Pakisundan ang guide sa taas)

3.   Address sa Pilipinas at Postal Code ang dapat ilagay sa GCash Application (4 Nos ang Postal Code sa Pinas – paki-ask sa pamilya ninyo sa Pinas ang tamang Postal Code ng inyong Address)

Pagkakuha, pakilagay ang ROAMING SIM sa Openline CP para magka signal.

Pakisend ang SIM No., dito sa messenger, nasa back ng SIM Card ang Cell No., para maiload ang eLoad na Php100.

Pag naka-roaming na, makikita ang Docomo or Softbank na signal.

PAALALA:

LOAD YOUR ROAMING SIM ALWAYS PARA HINDI MAWALAN NG SIGNAL. PAG NAWALAN NG SIGNAL, HINDI NA ITO MAIBABALIK PA.

Para HINDI ma-deactivate ang Roaming SIM kailangan magload kahit Php100 kada buwan.

Kailangan din mag text kada buwan at pakisabi mag text back ang ka-text sa Pinas para lang din HINDI mawala ang Roaming Signal.

Pwedeng paloadan sa Pinas, minimum Php100 ang pwedeng i-load dahil nakaroaming ito. Hindi nakakapag load sa Roaming SIM ng mababa sa Php100.


Report abuse Learn more